Magnitude 5.4 na lindol, tumama sa Occidental Mindoro; intensity IV, naramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila

Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang bahagi ng Occidental Mindoro kaninang alas-3:18 ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro ng lindol sa 20 kilometro hilaga ng Lubang, Occidental Mindoro.

May lalim itong 76 kilometro at tectonic ang pinagmulan.


Samantala, naramdaman ang intensity IV sa Makati, Maynila at Parañaque.

Intensity III naman sa Malabon, Mandaluyong, Pasay, Pateros, Quezon City, Taguig, Tagaytay, Calapan at Puerto Galera sa Oriental Mindoro, Calatagan at Lipa City sa Batangas.

Facebook Comments