Magnitude 5.4 na lindol, tumama sa Zambales – pagyanig, naramdaman din sa Metro Manila at kalapit probinsya

Manila, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Central Luzon, kagabi.

Sa taya ng PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol 12 kilometro sa silangang bahagi ng San Marcelino, Zambales dakong alas 10:27 ng gabi.

Dahil sa lakas ng lindol, naramdaman ang pagyanig sa sumusunod na lugar:


*Intensity IV:* Quezon City, Pateros, Marikina, Malolos, Bulacan

*Intensity III*:
Tagaytay City
Batangas City
Talisay, Batangas
San Jose Del Monte, Bulacan
Pasay City
Makati City
Mandaluyong
Lungsod Ng Maynila
Paranaque City
Taguig City
San Miguel, Tarlac
Marilao, Bulacan

*Intensity II:*
Palayan City
Bacoor, Cavite
San Jacinto, Pangasinan
Magalang, Pampanga

*Intensity I:* Sinait, Ilocos Sur

Wala namang inilabas na tsunami warning ang ahensya kasunod ng pagyanig.
DZXL558

Facebook Comments