Magnitude 5.6 na lindol, tumama sa Bayabas, Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang bahagi ng Bayabas, Surigao del Sur pasado alas-6 ng gabi kanina.

Ayon sa Philippine Institutes of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang episentro nito malapit sa bayan ng Bayabas at may lalim na dalawang kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa mga bayan ng Bayabas, Cantilan, Carmen, Tandag city at Surigao del Sur.


Intensity III naman ang naramdaman sa lungsod ng Bislig, bayan ng Marihatag, Carrascal at Lanuza sa Surigao del Sur; Lungsod ng Bayugan, bayan ng Rosario at San Agustin sa Agusan del Sur.

Wala namang naitalang pinsala pero inaasahan ang mga aftershocks ayon sa PHIVOLCS.

Facebook Comments