Magnitude 6.1 na lindol tumama sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon

Naramdaman ang magnitude 6.1 na lindol sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon alas 5:11 ng hapon.

Sa inilabas na datos ng PHIVOLCS, naitala ang sentro nito sa 2 kilometers northeast ng bayan ng Castillejos sa Zambales.

Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 21 kilometers.


Naramdaman ang intensity 5 sa San Felipe, Zambales at Quezon City.

Pero ayon sa PHIVOLCS, hindi ito maituturing na major earthquakes.

Gayunman, mahigpit na pinag-iingat ang lahat dahil sa inaasahang aftershocks.

 

Facebook Comments