Magnitude 5.8 na lindol sa North Korea, itinangging dahil sa nuclear weapons

World – Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang North Korea sa karagatang sakop ng Japan kaninang umaga.

Ayon sa US Geological Survey (USGS) – naitala ang sentro ng lindol sa 180 kilometers hilagang-silangan ng Chongjin, North Korea.

Itinanggi naman ng pentagon na resulta ng ginagawang nuclear test ng NOKOR ang lindol.


Ayon kay USGS Seismologist Julie Dutton, walang indikasyon na man-made event ang lindol.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments