Niyanig ng magnitude 5.8 na lindol ang Occidental Mindoro, kaninang alas-9:09 ng umaga
Sa interview ng RMN Manila kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum, sinabi nito na tumama ang epicenter ng lindol sa 11 kilometers northeast ng Abra De Ilog at may lalim na 110 kilometers.
Ayon kay Solidum, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at dahil malalim ito, naramdaman din ang lindol sa ilang lugar sa Southern Luzon at Metro Manila.
Bagama’t posibleng may mga aftershock, wala namang naitalang pinsala ang PHIVOLCS at hindi rin ito nagpalabas ng tsunami warning.
Facebook Comments