MAGNITUDE 5.9 | 12 kumpirmadong nasawi, 188 nasaktan sa lindol sa Haiti

Umabot na sa labing-dalawang katao ang nasawi habang 188 na naman ang nasaktan sa pagyanig ng lindol sa Haiti.

May lakas na 5.9 magnitude, naging malaki ang pinsala ng lindol sa mga gusali at lalong nakadagdag sa trauma ng mga residente na una nang nakaranas ng malakas na lindol noong 2010.

Karamihan sa mga nasawi at nasaktan ay sa lungsod ng Port-de-Paix (PAY).


Patuloy naman ang search and rescue operation sa mga gumuhong mga gusali. Nahihirapan naman ang mga search and rescue unit dahil sa malakas na ulan.

Ayon sa Claude Prepetit, hepe ng Haiti Bureau of Mines and Energy, posibleng makaranas ang bansa ng hanggang magnitude 8 na lindol sa hinaharap. Dahil dito malaki ang pangamba ni Prepetit na lalong malaking pinsala ang mangyayari sa bansa dahil na rin sa mga luma na ang mga istruktura sa Haiti.

Tatlong afteshock na ang naitatala simula noong Linggo.

Noong 2010, umabot sa 300,00 ang nasawi sa lindol na may magnitude 7.0.

Facebook Comments