Magnitude 6.1 na lindol, yumanig sa ilang bahagi ng Luzon kahapon

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon na naramdaman din sa Metro Manila kasabay ng afternoon rush hour kahapon.

Sa taya ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang 6.1 magnitude quake ay naramdaman pasado alas-5:11 ng hapon at nagmula ito 18 kilometro hilagang-silangan ng Castillejos, Zambales.

Tectonic ang pinagmulan o sa lupa nangyari ang pagyanig.


Ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum – itinuturing itong “strong” pero hindi “major” earthquake.

Naramdaman ang Intensity 6 sa:

  • San Marcelino at Subic, Zambales
  • Floridablanca, Lubao, at Porac, Pampanga
  • Angeles City
  • Olongapo City

Intensity 5:

  • Castillejos at San Felipe, Zambales
  • Magalang, Mexico at San Fernando, Pampanga
  • Abucay, Balanga at Mariveles, Bataan
  • Malolos, at Obando, Bulacan
  • Indang, Cavite
  • Lipa City
  • Makati City
  • Mandaluyong City
  • Manila City
  • Quezon City
  • Pasay City
  • San Juan City
  • Taguig City
  • Tarlac City
  • Valenzuela City

Intensity 4:

  • Meycauayan, Plaridel, at San Jose del Monte, Bulacan
  • San Rafael, Tarlac
  • Rosales at Villasis, Pangasinan
  • Itogon, at La Trinidad, Benguet
  • Kasibu, Nueva Vizcaya
  • Gabaldon, Nueva Ecija
  • San Mateo, Rizal
  • Bacoor, Imus at Maragondon, Cavite
  • Nasugbu, Batangas
  • Antipolo City
  • Baguio City
  • Caloocan City
  • Las Piñas City
  • Marikina City
  • Pasig City
  • Tagaytay City

Intensity 3:

  • Marilao, Bulacan
  • Santo Domingo, at Talavera, Nueva Ecija
  • Maddela, Quirino
  • Dingalan, Aurora
  • Lucban, Quezon
  • Santa Cruz, Laguna
  • Carmona, Dasmariñas, General Trias, at Silang, Cavite
  • San Nicolas at Talisay, Batangas
  • Cabanatuan City
  • Calamba City
  • Gapan City
  • Muntinlupa City
  • Palayan city

Intensity 2:

  • Baler, Aurora

Walang banta ng tsunami pero inaasahan ang aftershocks.

Sa ngayon, nakataas na ang NDRRMC sa “blue alert” status para ma-monitor ang epekto ng lindol.

Facebook Comments