Magnitude 6.2 na lindol, tumama sa lalawigan ng Batanes

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang bayan ng Basco sa lalawigan ng Batanes kung saan, naitala ang nasabing pagyanig sa layong 16 kilometro silangan ng nabanggit na lugar.

Ayon sa the Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa 174 kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang pinagmulan nito.

Kabilang sa intensities na naitala ay ang mga sumusunod:


Intensity IV – Basco at Itbayat, Batanes

Intensity II – Laoag City at Pasuquin, Ilocos Norte at

Intensity I – Vigan City

Dagdag pa ng PHIVOLCS, posibleng magdulot ng aftershocks ang naturang lindol pero hindi umano magdudulot ng pinsala.

Facebook Comments