MAGNITUDE 6.3 | DFA, kinumpirmang walang Pinoy na nadamay sa lindol sa Iran

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nasaktan sa tumamang magnitude 6.3 na lindol sa Iran.

Ayon sa DFA, batay kay Ambassador to Iran Wilfredo Santos na na-contact na ng Philippine Embassy sa Tehran ang 10 Pinoy na apektado ng lindol at ligtas ang kalagayan ng mga ito.

Mababatid na tumama ang lindol sa Kermanshah malapit sa border ng Iraq.


Aabot sa 700 tao ang nasugatan pero ito ay minor injuries lamang.

Patuloy namang mino-monitor ng Philippine Embassy ang kalagayan ng mga Pinoy at nangakong tutulong oras na kailanganin nila ito.

Facebook Comments