Itinuturing ng philippine volcanology and seismology (phivolcs) na mapanira ang nangyaring magnitude 6.3 na lindol na tumama sa north cotabato at karatig lugar.
Ayon kay PHIVOLCS Science Research Analyst Johnlery Deximo, posibleng magtumbahan o mahulog ang mga mabibigat na gamit.
Maari ring magsibagsakan ang mga nakakabit sa kisame lalo na sa mga lugar na nakakaranas ng intensity 7.
Binabantayan na nila ang North Cotabato dahil ito ay sinasabi nilang ‘Seismically’ Active Area sa Mindanao.
Sa huling tala ng PHIVOLCS, higit 300 aftershocks na ang kanilang naitala.
Facebook Comments