Magnitude 6.3 na lindol, tumama sa Magsaysay, Davao del Sur

99

Muling niyanig ng lindol ang Magsaysay, Davao del Sur ngayong araw.

Alas 12:22 kaninang tanghali nang maramdaman ang magnitude 6.3 na lindol sa nasabing bayan.


May lalim ito na 15 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Intensity V sa Kidapawan City habang Instrumental Intensity V sa Koronadal City, South Cotobato.

Instrumental Intensity IV – Alabel and Kiamba, Sarangani; General Santos City, South Cotabato
Instrumental Intensity II – Cagayan de Oro and Gingoog, Misamis Oriental
Instrumental Intensity I – Cagayan de Oro, Misamis Oriental
Kaninang alas 7:28 ng umaga nang unang tumama sa Magsaysay ang magnitude 4.8 na lindol.

Facebook Comments