Magnitude 6.3 na lindol, yumanig sa karagatang bahagi ng Bali, Indonesia

Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang karagatang bahagi ng Holiday Island sa Bali, Indonesia.

Ayon sa us Geological Service, naitala ang episentro ng lindol sa lalim na 10 kilometro.

Wala namang inilabas na tsunami alert warning ang Indonesia at wala ring naitalang pinsala sa nasabing kalapit na isla.


Matatandaang noong 2004 ay isang magnitude 9.1 na paglindol ang yumanig sa kaparehong bansa kung saan nasa 170,000 katao ang nasawi.

Facebook Comments