Magnitude 6.4 na lindol, tumama sa Davao Occidental

Niyanig ng 6.4 magnitude na lindol ang Davao Occidental, alas-11:23 ng gabi ng Linggo.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS), ang episentro ay nasa 40 kilometers timog-silangan ng bayan ng Don Marcelino at may lalim na 149 kilometers.

Naitala ang iba’t ibang intensity sa mga sumusunod na lugar:


–              Intensity V – General Santos City; Mati City

–              Intensity IV – Magsaysay, Davao del Sur; Koronadal City

–              Intensity III – Kidapawan City

Asahan ang aftershocks.

Facebook Comments