Magnitude 6.5 na lindol, tumama sa Cataingan, Masbate

Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Cataingan, Masbate alas 8:03 kaninang umaga.

Naitala ang epicenter ng lindol 5 kilometers Southwest ng Cataingan.

May lalim itong isang kilometro at tectonic ang origin.


Naramdaman din ang lindol sa iba pang lugar sa Bicol Region at Visayas.

Naitala ang Intensity IV sa Mapanas, Northern Samar; Legaspi City, Albay at sa Lezo, Aklan.

Intensity III naman sa Iloilo City at Intensity I sa President Roxas, Capiz.

Ang lindol ay unang naitala ng US Geological Survey sa magnitude 6.9 pero kalaunan ay ibinaba sa magnitude 6.6.

Samantala, pinawi naman ng PHIVOLCS ang pangambang magdulot ng tsunami ang lindol pero asahan na ang aftershocks.

Facebook Comments