Hokkaido, Japan – Umabot na sa pito ang patay matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa Hokkaido, Japan.
Ayon sa crisis management office ng Hokkaido prefecture government, higit 150 tao na sugatan habang tinutukoy pa ang bilang ng mga nawawala.
Maraming flights at operasyon ng mga public transport ang nakansela.
Aabot sa tatlong milyong kabahayan ang nawalan ng kuryente.
Nagpadala na si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ng 4,000 defense force soldiers para tumulong sa rescue operations.
Samantala, niyanig naman ng magnitude 7.8 na lindol ang Fiji.
Naitala ang episentro sa layong 123 kilometro timog-silangan ng Suva at may lalim na 669 kilometro.
Walang itinaas na tsunami warning.
Facebook Comments