Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang lalawigan ng Abra.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natukoy ang sentro lindol alas-10:59 ng gabi ngayong Martes kung saan naitala ang episentro nito sa layong 7 kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng Tineg.
May lalim itong 28 kilometro at naramdaman sa malaking bahagi ng Luzon.
Naramdaman ang Intensity V sa Sinait, Ilocos Sur habang Intensity IV sa Baguio City.
Naitala rin ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V – Gonzaga, Penablanca, Claveria, Cagayan; Pasuquin, Laoag City, Ilocos Norte; Vigan City, Ilocos Sur
Intensity IV – Bangued, Abra
Intensity III – Baler, Aurora; Ilagan, Isabela
Intensity II – Bayombong, Nueva Vizcaya; Urdaneta, Dagupan City, Pangasinan; Madella, Quirino
Intensity I – Dinalupihan, Bataan; Bulakan, Calumpit, Malolos City, Plaridel, Bulacan; Pasig City, Navotas City; Cabanatuan City at San Jose, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga; Umingan, Sison, Bolinao, Infanta, at Bani, Pangasinan; Polillo, Mauban, at Infanta, Quezon; Tanay at Taytay, Rizal; Ramos, Tarlac; Iba, Zambales.
Wala pa namang naiulat na pinsala dahil sa pagyanig.