Magnitude 7.1 na lindol, tumama sa Central Mexico

World – Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang Central Mexico.

Ang nasabing lindol ay tumama ilang oras matapos ang isinagawang earthquake drills.

Ayon sa U.S. Geological survey, naitala ang sentro ng lindol sa layong 8 kilometro ng southeast ng atencingo sa Central State of Puebla at may lalim na 51 km.


Una nang niyanig ng magnitude 8.1 na lindol ang Mexico nito lang Setyembre kung saan 98 tao ang nasawi.

Facebook Comments