Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Governor Generoso, Davao Oriental.
Naganap ito alas-1:46 ng madaling-araw na may lalim na 69 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.
Naramdaman ang Intensity 5 sa General Santos City at Intensity 4 sa Koronadal City at Tampakan, South Cotabato.
Intensity 3 naman ang naramdaman sa; San Francisco; Southern Leyte; Abuyog, Leyte; Kidapawan City; Cotabato; Hinunangan; at Southern Leyte.
Intensity 2 sa Saint Bernard; Southern Leyte; Dulag, Leyte; Surigao City; Surigao Del Norte; Palo, Leyte at Intensity 1 sa Alangalang at Carigara, Leyte
Sa ngayon, paliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na asahan na ang anumang damage sa mga imprastruktura maging ang mga aftershocks.
Facebook Comments