Magnitude 7.6 na lindol, tumama sa Indonesia

Niyanig ng magnitude 7.6 na lindol ang karagatang sakop ng Indonesia at East Timor.

Naitala ang epicenter nito sa layong 427 kilometers timog ng Ambon Island na may lalim na 95 kilometers.

Ilang aftershocks na may lakas na magnitude 5.5 ang naitala ng Meteorology, Climatology and Geophysics Agency (BMKG) ng indonesia.


Naramdaman din ang pagyanig sa mga isla ng Timor, Maluku archipelago, Papua at maging sa Darwin na kabisera ng Northern Territory ng Australia.

Samantala, inalis na ng Indonesian Geophysics Agency ang tsunami warning na una nitong inilabas matapos ang malakas na lindol.

Noon lamang November 21, 2022 nang maramdaman ang magnitude 5.6 na lindol sa West Java, Indonesia na ikinasawi ng 602 indibidwal.

Naitala ang pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng Indonesia sa Sumatra Island noong December 26, 2004 na nasa magnitude 9.1 na kumitil sa buhay ng higit 200,000 katao hanggang sa Sri Lanka, India, Thailand at siyam na iba pang mga bansa.

Facebook Comments