Niyanig ang Peru ng magnitude 8.0 na lindol.
Naitala ng Peru Geophysical Institute ang lalim nito sa 110 kilometers, malayo sa kabisera na lima.
Pero sa datos ng US Geological Survey, naitala ang lindol sa layong 75 kilometers sa Lagunas area at 189 kilometers silangan ng bayan ng Moyobamba.
Nagdulot ito ng pagkaputol ng supply ng kuryente sa Iquitos at Tarapoto City, maging sa Amazonian Towns sa Loreto Region.
Nanawagan si Peruvian President Martin Vizcarra sa kanilang mga mamamayan na manatiling kalmado.
Wala namang naitalang casualty o matinding pinsala.
Wala ring inilabas na tsunami warning.
Facebook Comments