Magnobyo sa UK, binulaga ng mapanganib na scorpion sa biniling saging

Stock photo

Laking gulat ng isang magkasintahan sa England nang may nagtatagong uri ng mapanganib na scorpion sa piling ng saging na kabibili lang sa grocery store.

Inaayos na nina Matt Fry at kanyang nobya ang kanilang mga pinamili nang lumitaw ang hayop na inakala pa nila noong una na patay na, ayon sa ulat ng The Sun.

“I realized it was a scorpion straight away and was a bit freaked out but it wasn’t moving at first, so I figured maybe it had died,” ani Fry.


Maigi na lang nang gumapang ito ay naikulong niya agad sa garapon bago pa may masaktan.

“I put it in a jar and made a bit of a home for it in the spare bedroom and gave it some food just in case. I even named it Simon the Scorpion and was planning on keeping it until it got out and shot across the floor. I decided I didn’t want it as a pet after that,” kuwento niya pa.

Kalaunan napag-alaman ng magkasintahan na si Simon the scorpion ay isang Florida Bark, uri na ang kagat ay maaaring magdulot ng cardiac arrest o kaya ay pagkamatay.

Dinala na nila ito sa Surrey and Hampshire Reptile Rescue.

Facebook Comments