Magnolia Hotshots, inilampaso ang Gin Kings sa Manila Clasico; bagong import ng Rain or Shine nagpakitang gilas kontra sa Blackwater

Tinapos na ng Magnolia Hotshots ang winning streak ng Barangay Ginebra matapos nilang ilampaso sa paghaharap kagabi sa PBA Governors Cup.

Nagtapos ang Manila Clasico sa score na 118-88 sa pangununguna ng bagong Hotshots import na si Antonio Hester na nakakuha ng 28 points, 18 rebounds at 9 assists.

Dahil sa panalo ng Hotshots, bumaba sa ikalimang pwesto ang Gin Kings at sumunod lamang sa Converge, TNT Tropang Giga, San Miguel Beermen na kapwa may 5-1 na record at sa NLEX Road Warriors na may 4-1.


Ayon kay Magnolia head coach Chito Victolero, malaking bagay ang depensang ipinamalas ng kaniyang players lalo na’t aminado naman siyang malakas na koponan ang defending champions.

Samantala, wagi rin ang Rain or Shine kontra naman sa Blackwater sa pangunguna ng kanilang bagong import na si Greg Smith II.

Kumamada ng 38 points, six rebounds at five assists si Smith para tapusin ang laban sa score na 122-117.

Facebook Comments