Sunday, January 18, 2026

Magnolia Hotshots, pinataob ang Meralco Bolts kagabi sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup

Nanaig ang Magnolia Hotshots kontra Meralco Bolts matapos manalo sa overtime sa score na 97-88 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Pinangunahan nina Paul Lee at Mark Barroca ang Hotshots kung saan kapwa nakapag-ambag ng 20 points sa laban.

Habang pinangunahan ni Chris Newsome ang Bolts kung saan nakapagtala ito ng 24 points.

Dahil dito, nag-improve sa 6-3 ang standing ng Magnolia dahilan para umakyat sila sa ika-apat na pwesto.

Facebook Comments