Magnum .357 at 9 na mga bala, isinurender sa 2nd Aklan PMFC

Kalibo, Aklan – Isang magnum .357 at 9 na mga bala ang isinurender ng isang concerned citizen sa Aklan PMFC. Ang nasabing concerned citizen ay taga Brgy. Poblacion, Buruanga, Aklan. Ito rin ay resulta ng ginagawang kampanya ng Aklan PMFC sa pangunguna ni PMaj. Donnel P. Regis-Force Commander laban sa mga loose firearm sa pamamagitan ng Tokhang Kunta Armas Luthan (TKAL). Hindi rin naman kakasuhan ang nasabing may-ari at sa halip ay tatanggap sya ng 25 kilos na bigas na isa ring initiative project na “Armas Islan Bugas” ng unit. Ang armas ay nasa kustodiya na ng Buruanga MPS para dokumentasyon at itinurn-over sa SOCO.

Facebook Comments