Manila, Philippines – Nagbabala na ang Department of Health (DOH) sa mga sakit na nauuso kapag matindi ang init ng panahon.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, kabilang na rito ang mga sakit sa balat tulad ng bungaw-araw, sunburn at ilang fungal infections gaya ng hadhad, buni t an-an.
Mabilis din aniyang kumalat ang bulutong kapag maalinsangan ang panahon.
Payo ng kalihim, magpabakuna dahil libre naman itong ibinibigay ng ahensiya.
Pangkaraniwan din dapat iwasan tuwing tag-init ay ma-dehydrate o pagkawala ng tubig sa katawan na posibleng mauwi sa heat exhaustion at heatstroke.
Facebook Comments