Manila, Philippines – Pinagpapaliwanag ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang gobyerno ng Kuwait kaugnay sa mga kaso ng questionable death ng mga overseas filipino workers doon.
Kasunod na rin ito ng kaso ng pagpatay sa pinay OFW na si Joanna Dimapilis na natagpuan pa ang bangkay sa loob ng freezer.
Ayon kay OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac – isa lang ang kaso ni Dimapilis sa 12 questionable death sa Kuwait na naitala nitong nakaraang taon.
Disyembre 2017, matatandaang apat na pinay ang napaulat na nag-suicide, bagay na pinagdududahan ng OWWA.
Samantala, tiniyak naman ni Cacdac na handa ang gobyerno na tulungan ang naulilang pamilya ni Dimapilis.
Nabatid na nasa 251,000 ang mga Pilipinong nasa Kuwait kung saan pinakamalaking bilang nito ay nagtatrabaho bilang mga ang household workers (163,000).