MAGPAPA-ALAM PA | Sen. Trillanes, kailangan pang magpa-alam sa Davao court para makabiyahe abroad – ayon sa DOJ

Manila, Philippines – Hindi garantiya ang pagpi-piyansa ni Sen. Antonio Trillanes sa mga kasong libel sa Davao Regional Trial Court para matuloy ang kanyang biyahe abroad bukas.

Ayon sa Dept. of Justice, tulad ng ginawa ni Trillanes sa Makati regional trial court branch 150, kailangan niya ring maghain ng mosyon sa Davao RTC para magpa-alam na bibiyahe siya abroad.

Sa Makati RTC-150 ay nakapagpiyansa na noong September 25 si Trillanes, pero naghain pa rin sya ng mosyon noong Nobyembre para magpaalam na makabiyahe sa Europe at US.


Ayon sa DOJ, oras na maghain ng motion to travel abroad si Trillanes ay nakatakda rin nilang igiit sa korte ang Pagiging flight risk ng senador dahil sa mga kasong kinakaharap nito sa iba’t ibang korte sa bansa.

Facebook Comments