Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Pangasinan sa Bagyong Ompong na tatama sa Northern Luzon. Inilabas ng Province of Pangasinan ang Memorandum No. 10 na naglalayon na abisuhan ang mga local government units, city and municipal disaster risk reduction and management council na nagpapatupad ng pre emptive evacuation.
Sa nasabing memorandum nakasaad na dapat magkaroon umano ng preventive measures sa maaring epekto ng lakas ng hangin at storm surge; magpatupad ng pre emptive evacuation sa mga mababang lugar na maaring magdulot ng landslide at flashflood at sa mga nakatira malapit sa ilog; prayoridad na ilikas ang mga senior citizen, may mga kapansanan, bata at mga buntis; pagbabawal sa mga mangingisda na pumalaot.
Samantala Ang Provincial Social Welfare and Development ay naghanda ng 10,000 family packs para sa relief operations. Handa na rin ang 91 na police officers ng PNP na sumailalim sa apat na araw na training ng Water Search and Rescue (Wasar). Ang pitong team ng Philippine Coastguard naman ay tutukan ang mga coastal municipalities.
Nagsagawa na rin sa ibang lugar ang Department of Works and Highways ng De clogging sa mga imburnal upang maibsan ang pagbaha. Nakikiusap rin ang mga otoridad sa publiko na huwag ng magmatigas pa kung kailangan ng lumikas. Kaninang madaling araw naranasan ng probinsiya ng pag-ulan at nagkakaroon na rin ngayong umaga ng makakapal na ulap.
[image: 20479802_1426749760694580_7392307770546989478_n.png]