
Hinimok ng Philippine National Police (PNP) na kumuha ng permit ang mga magpapalipad ng drone sa gaganaping Trillion Peso March sa Linggo.
Ayon kay PBGen. Randulf Tuaño, chief ng Public Information Office ng PNP, saklaw ng batas na dapat may permit ang mga drone na papaliparin sa mga lugar, lalo na sa pagdarausan ng mga aktibidad.
Layon nito na maiwasan muli ang nangyaring insidente noong nakaraang rally sa White Plains Avenue kung saan nasaktan ang isang nakilahok matapos mabagsakan ng drone.
Gayunpaman, hindi nahuli ang may-ari ng nasabing drone, kaya’t ngayon ay hinihigpitan ang seguridad para hindi na muling masaktan ang mga raliyista.
Ayon pa kay Tuaño, inaasahan na nasa 300,000 indibidwal ang makikilahok sa nasabing kilos protesta.
Facebook Comments









