MAGPAPALIWANAG | 2 bus na sangkot sa aksidente sa EDSA-Magallanes, pagpapaliwanagin ng LTFRB

Manila, Philippines – Sugatan ang hindi bababa sa 17 pasahero makaraang bumangga sa pader ang isang pampasaherong bus sa southbound lane ng EDSA-Magallanes.

Sa inisyal na ulat – nawalan ng preno ang Joyselle bus na may plakang txd-382, nagpagewang-gewang saka bumangga sa isa pang pampasaherong bus ng Valenzuela Transport Cooperative at isang Mitsubishi Mirage na may plakang acm-4149.

Alas 6:11 nang mangyari ang aksidente kung saan umabot hanggang Cubao ang traffic.


Agad namang isinugod sa ospital ng makati ang mga pasaherong nagtamo ng minor injuries.

Samantala, kapwa hihingan ng paliwanag ng LTFRB ang pamunuan ng Joyselle Express Inc. at Valenzuela Transport Cooperative.

Ilang saksi kasi ang nagsabing nag-aagawan sa pasahero ang dalawang bus bago ang aksidente.

Facebook Comments