MAGPAPALIWANAG | Philhealth OIC, handang kausapin si Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Handa raw si Philhealth OIC Dr. Celestina Maria Jude Dela Serna na mag paliwanag kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kinukwestyong gastos sa mga biyahe niya na abot sa higit 600 na libong piso sa loob lang ng isang taon.

Sa Presscon, sinabi ni Dela Serna na naniniwala siya na legal ang kanyang mga travel expenses dahil inaprobahan ito ng Commission On Audit (COA).

Paliwanag pa ni Dela Serna, ang disbursement at expenses ng mga opisyal ng PhilHealth at mga stakeholders ay naayon sa batas at dumaan sa Board at hindi nahahaluan ng iregularidad .


Una nang pinaiimbestigahan ng Malacañang ang umano’y labis-labis na biyahe ni Dela Serna.

Ito ay matapos hingan ng paliwanag ng Commission On Audit (COA) si Dela Serna kaugnay ng gastos nito sa mga biyaheng aabot sa 627,293.04 pesos sa loob lang ng isang taon sa kabila ng pagkalugi ng ahensiya ng 8.92 bilyong piso base sa 2017 unaudited financial statement ng PhilHealth.

Facebook Comments