MAGPAPATIBAY | Royal wedding nina Prince Harry at Meghan Markle, inaasahang may magandang epekto sa relasyon ng US at UK

England – Opisyal nang kinilala bilang Duke and Duchess of Sussex sina Prince Harry at Meghan Markle.

Kasunod ito ng makasaysayang royal wedding nila kahapon sa St. George’s Chapel sa Windsor, England.

Ayon sa Royal Borough of Windsor and Maidenhead, tinatayang higit sa 100,000 katao ang pumila sa mga lansangan upang masilayan ang wedding procession ng newlyweds sa Windsor.


Marami naman ang naniniwala na mapapalakas at mapapatibay ng nasabing royal wedding ang relasyon ng Estados Unidos at UK.

Facebook Comments