MAGPAPATROL | Philippine Coast Guard, magde-deploy ng barko sa Boracay

Boracay – Tutungo sa Boracay ngayong Linggo ang MRRV 4409 BRP Cabra at SARV 3504 BRP Davao del Norte, upang magpatrol sa Boracay sa loob ng anim na buwan na pagpapasara sa lugar.

Ayon kay PCG Spokesperson Captain Arman Balilo, ang mga magpapatrolya sa Boracay ay bubuuin ng Special Operations Group, kung saan magiging katuwang nila ang Philippine Navy at Philippine National Police sa pagpapatrolya.

Ang Marine Environmental Protection Command Group, naman ay bubuuin ng mga marine scientists, kung saan magiging katuwang nila ang Environment Management Bureau mula sa DENR.


Ang Coastal and Beach Patrol Group naman ay bubuuin ng mga babaeng miyembro ng Special Operations Force (SOF).

Dagdag pa ni Balilo, bukod sa mga nabanggit na pangunahing aktibidad ng PCG, magsasagawa rin sila ng Medical at Dental Mission.

Facebook Comments