Manila, Philippines – Ipagpapatuloy ngayong araw ng Land transportation Franchising and Regulatory Board ,Land Transportation Office at Task Force Alamid ng Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT ang kampanya na Oplan Tanggal Bulok ,Tanggal Usok .
Ayon kay LTFRB Board member Atty Aileen Lizada, maging sentro ng operasyon ang mga ruta ng pampasaherong jeepney sa Abad Santos-Antipolo, Quirino-Taft Ave. sa Maynila, Aurora-Katipunan, Quezon ave-Agham at Kalayaan-C5 sa QC na pasisimulan mamayang alas-9 umaga.
Base sa pinakahuling operasyon na isinagawa ng Task Force Alamid , LTO at LTFRB nakapagsita ito ng 200 pampasaherong jeepney na may depektibong parts at accessories at 44 sasakyan ang binigyan ng summons dahil sa smoke belching .
Sinabi pa ni Atty. Lizada magpapatuloy ang pagsita sa mga pampapasaherong jeepney na hindi na karapat dapat pang bumiyahe sa mga lansangan sa ilalim ng Oplan Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign alinsunod sa direktiba ni pangulong Duterte.