MAGPAPATUPAD | Panibagong mall hours sa 15 mall sa Metro Manila, Ipatutupad

30

Manila, Philippines – Magpapatupad na ng panibagong mall hours ang labinlimang mga mall sa Metro Manila simula sa November 5 hanggang January 14, 2019.

Alas-11 ng umaga magsisimula ang mall hours sa mga mall sa EDSA, C-5 avenue Marcos highway at Commonwealth Ave.

Depende naman sa mga mall operator ang oras ng pagsasara ng mga ito.

Nakiusap naman ang MMDA na hangga’t maaari ay iwasan ang pagbibigay ng mga sales product ng mga mall operators tuwing weekend.

Layunin nito ang mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko tuwing Christmas rush.

Facebook Comments