Manila, Philippines – Muling umapela ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa natitirang 6,000 undocumented OFW sa Kuwait na magparehistro na sa Philippine Embassy sa susunod na tatlong araw
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sara Lou Arriola, magparehistro na para sa repatriation sa lalong madaling panahon para maiwasang maaresto at makulong.
Gamitin na aniya ang pagkakataon para sunggaban ang amnesty program ng Kuwait na magtatapos sa April 22.
Paalala pa ni Arriola, huwag na magpa-‘last minute’ register dahil aabutin ng 10 araw ang embahada para sa pagproseso ng kanilang exit requirements.
Sa ngayon, aabot na sa 3,930 mula sa 8,727 OFW mula sa Kuwait ang nag-avail ng amnesty at repatriation programs.
Facebook Comments