Manila, Philippines – “Magpataba muna kayo habang wala ako diyan” ito ang mensahe ni PNP Chief PDG Ronald Bato Dela Rosa sa mga drug lords sa Bilibid.
Ginawa ni Dela Rosa ang pahayag matapos ang pagkaantala ng kanyang paglipat sa Bureau of Corrections, dahil inextend ng pangulo sa ikalawang pagkakataon ang kanyang termino bilang PNP Chief.
Matatandaang sinabi ng Pangulong Duterte na si Dela Rosa ang magiging susunod na pinuno ng Bureau of Corrections pagkatapos ng kanyang panunungkulan sa PNP.
Ayon kay Dela Rosa, Tiyak nag-pipiyesta ngayon ang mga drug lords sa Bilibid na pinangangambahan ang kanyang paglipat doon ngayon sanang Abril kung hindi siya na extend sa PNP.
Sinabi ni Dela Rosa na si BuCor Deputy Director General Valfrie Tabian na muna ang bahalang mag-bantay sa mga high profile drug personalities sa Bilibid.
Aniya, hintayin nalang ng mga drug lords sa Bilibid ang kanyang pagdating at saka nalang niya sila papapayatin.