MAGPIPINSAN, NASAWI MATAPOS IWASAN ANG PANAMBAK NA NASA GILID NG KALSADA

Nasawi ang tatlong magpipinsan matapos na tumaob ang kanilang sinasakyang tricycle sa kahabaan ng Provincial Road sa Brgy. Mal-Ong, Anda, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, habang binabagtas ng tricycle ang nasabing lansangan, iniwasan nito ang panambak na nasa kalsada at, nasakop nito ang kabilang linya. Nagkataon ding paparating ang isang motorsiklo, at dito na nagsalpukan ang dalawang sasakyan.

Tama sa ulo ang tinamo ng tatlong magpipinsan na naging sanhi ng kanilang pagkasawi, habang nagtamo rin ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang sakay ng motorsiklo.

Hiling ng kaanak ng mga biktima na kasuhan umano ang nagmamay-ari ng panambak na nakalagay lamang sa gilid ng kalsada.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad ukol sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments