MAGPUPULONG NA | Usapin sa pagbubukas ng nominasyon sa pagka-punong mahistrado, tatalakayin na sa JBC En Banc sa Lunes

Manila, Philippines – Magpupulong na sa Lunes ang mga miyembro ng Judicial and Bar Council para plantsahin ang proseso ng nominasyon at aplikasyon ng mga aplikante sa bakanteng pwesto ng Punong Mahistrado.

Kasunod ito ng naging utos ng Supreme Court sa JBC na madaliin na ang proseso ng aplikasyon para sa Chief Justice ,kasunod ng pagpapatalsik kay dating CJ Maria Lourdes Sereno…

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, isa sa mga ex-officio member ng JBC…na tiyak na matatalakay sa en banc meeting ang proseso ng pagpili ng susunod na Chief Justice.


Inaasahan anya na aatasan ng JBC ang agarang publication ng notice para ipaalam sa lahat na bukas na ito sa pagtanggap ng nominasyon ng mga aspirante sa nasabing pwesto.

Sa ilalim ng batas, may siyambapung araw para mapunan ang nabakanteng pwesto sa Korte Suprema o ang pwesto ng Chief Justice.

Facebook Comments