“MAGRETIRO NA” | Sen. Lacson, nais na magretiro na si Pacman sa boksing

Manila, Philippines – Nagpahiwatig si Senator Panfilo Ping Lacson ng hangarin na magretiro na sa boksing si Senator Manny Pacquiao.

Inihayag ni Lacson ang mensahe sa post sa kanyang twitter account.

Ito ay makaraang maaagaw ng Pambansang Kamao ang WBA Welterweight Title mula kay Lucas Mathysse kahapon sa labang ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.


Diin ni Lacson, mas mabuting bumaba ng stage habang ang mga nanonood ay pumapalakpak pa.

Sabi naman ni Senator JV Ejercito, legend ng maituturing sa larangan ng boxing si Pacman at wala na itong dapat pang patunayan.

Samantala, bilang bahagi ng papuri at pagbati kay Pacman, ay inaasahan ng magpapas ang Senado ng isang resolusyon na kumikilala sa tagumpay nito.

Facebook Comments