Magsasaka, Arestado Matapos Masamsaman ng Iligal na Baril at Bala sa Kanyang Bahay!

*San Mariano, Isabela- *Nahaharap sa Kasong Paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act“ ang isang magsasaka matapos masamsaman ng iligal na baril at bala sa kanyang mismong bahay sa Brgy. Balagan, San Mariano, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang suspek na si Arnold Lampag, trentay otso anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Nadakip si Lampag matapos isilbi ng PNP San Mariano ang Search Warrant sa kanyang bahay kung saan nakumpiska mula sa loob ng kanyang bahay ang isang kalibre trentay otsong baril, anim na piraso ng bala ng Caliber 38, dalawang piraso ng fire cartridge ng cal. 38 at labingdalawang piraso ng 12-gauge shotgun.


Hawak na ng PNP San Mariano si Lampag na mahaharap sa kanyang kaukulang kaso.

Facebook Comments