Magsasaka, Arestado nang Isilbi ang Arrest Warrant sa Gamu, Isabela

259

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang magsasaka matapos isilbi ng mga awtoridad ang kanyang mandamiento de aresto sa Brgy. Mabini, Gamu, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Marlon Marcelo, 29 anyos, binata at residente sa nasabing lugar.


Dinakip ng Gamu Police Station ang akusado matapos magpalabas ng warrant of arrest si kagalang galang hukom Bona Aruta ng Tubao, La Union para sa kasong tangkang pagpatay habang nagpalabas din ng arrest warrant si hukom Jenifer Pilar ng RTC Br. 32 Agoo, La Union sa kasong Frustrated Homicide.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamatalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P12,000.00 sa Attempted Homicide at P20,000.00 para sa Frustrated Homicide.

Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang disposisyon.
.

Facebook Comments