Magsasaka, Arestado nang Masamsaman ng mga Bala at Baril!

*Delfin Albano, Isabela**- *Timbog ang isang magsasaka matapos masamsaman ng mga iligal na bala at baril sa isinagawang Search Warrant ng mga otoridad sa Brgy. Calinaoan Sur, Delfin Albano, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng mga otoridad si Arlito Agron, 40 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Calinaoan Sur, Delfin Albano, Isabela matapos makuhanan ng isang Springfield Smith and Wesson Cal 38 Caliber, isang Smith and Wesson Cal. 38 at isang hand grenade sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC, Second Judicial Region, Br. 22, Cabagan, Isabela.

Nasamsam rin sa suspek ang 15 piraso ng bala ng Cal. 38, 8 piraso ng bala ng Cal 45, 4 piraso ng bala ng M16 Rifle, isang bolo knife na may Camouflage Holster at tatlong piraso ng Camouflage Green pants.


Dinala sa CIDG-ISABELA PFU Office ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposition at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings.

Facebook Comments