
CAUAYAN CITY- Arestado ang isang magsasaka matapos masilbihan ng warrant of arrest sa bayan ng Alfonso Lista, Ifugao.
Kinilala ang suspek na si alyas “Dominador”, 49-anyos, at residente ng Sitio Kalipkip Barangay Kiling Alfonso Lista Ifugao.
Naaresto ang akusado sa bisa ng warranf of arrest na inisyu noong December 2, 2024 ni Hon. Kathy Luisa Gaffud Fule-Logan, Presiding Judge of Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 15, Alfonso Lista Ifugao sa dalawang bilang ng kasong Lascivious Conduct na may inirekomendang pyansa na nagkakahalaga ng P10,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Dinala ang suspek sa himpilan ng kinauukulan para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.
Facebook Comments









