Magsasaka, Arestado sa Kasong 4 Counts ng VAWC

44

*Cauayan City, Isabela*- Agad na dinakip ng mga kapulisan ang isang magsasaka matapos isilbi ng mga ito ang kanyang warrant of arrest bandang 11:00 ng umaga kanina sa Brgy. Pilig Alto, Cabagan, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Ronald Marayag, 44 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Cabatuan, inaresto ang akusado matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Br.22 Cabagan Isabela para sa apat na counts ng kasong RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa ilalim ng criminal case no. 22-3327, 22-3328, 22-3329,22- 3700 habang wala namang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang kalayaan nito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga alagad ng batas ang akusado para kaharapin ang kaso laban sa kanya.

Facebook Comments