Magsasaka, Arestado sa kasong Homicide!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang magsasaka matapos isilbi ng mga otoridad ang mandamiento de aresto nito sa Burgos St. Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela kahapon.

Kinilala ang akusado na si Jonathan Ballesteros, 21 anyos, binata at residente ng Sitio Callagui, Brgy. San Pablo, Cauayan City, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan, inaresto sa bisa ng warrant of arrest si Ballesteros na ipinalabas ni hukom Reymundo Aumentado ng RTC Br.20 sa ilalim ng criminal case # 20-9501 para sa kasong Homicide.


Sa ngayon ay pansamantalang nananatili sa kustodiya ng pulisya ang akusado bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments