Magsasaka, Arestado sa Kasong Illegal Logging!

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang magsasaka matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest sa kasong Illegal logging sa Brgy. Malasin, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang akusado na si Ver Dugay, 48-anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Matapos mamataan ng PNP Dupax del Norte ang akusado ay agad na isinilbi ang warrant of arrest nito na ipinalabas ni Hon Judge Paul R Attolba Jr ng RTC Br 30, Bayombong ng nasabing lalawigan dahil sa kasong paglabag sa PD 705 docketed under CC# 5533.


Pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya ang akusado na posibleng makalaya lamang kung makapagpiyansa ng halagang apatnapung libong piso (P40,000.00).

Facebook Comments