Magsasaka, Arestado sa Kasong Pagbiyahe ng Iligal na Kahoy sa Tuguegarao City!

*Tuguegarao City, Cagayan*- Arestado ang isang magsasaka matapos magbiyahe ng hinihinalang iligal na pinutol na kahoy sa Dalan na Pinacanauan Tuguegarao Ave. Road, Brgy. Tanza, Tuguegarao City, Cagayan bandang 1:30 kaninang madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Edmar Cusipag, 35 anyos, may asawa at residente ng Mangga Lagum, Peñablanca, Cagayan

Batay sa imbestigasyon ng PNP Tuguegarao, nakatanggap ang kanilang tanggapan ng sumbong na may isang itim na van na magbibiyahe ng iligal na pinutol na kahoy patungo sa nasabing siyudad at ilang sandali pa ay agad na rumesponde ang kapulisan upang sundan ang sasakyan ng suspek sakay ng mga iligal na kahoy at nang marating ang pambansang lansangan ng Dalan ng Pinacanauan ay agad na hinarang ito upang inspeksiyunin ang mga kahoy ngunit wala itong maipakitang dokumento kaya’t agad itong inaresto habang ang driver nito ay mabilis na tumakas sa damuhang bahagi ng Pinacanauan River.


Inamin naman ng suspek na pag aari niya ang mga pinutol na kahoy.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa PD 705 o “Revised Forestry Code of the Philippines.”

Facebook Comments