Magsasaka, Arestado sa kasong Pagnanakaw

65

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang magsasaka matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito kaninang umaga sa Brgy. Guam, San Guillermo, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Salvador Chuco, 60 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP San Guillermo, dinakip si Chuco matapos ipalabas ni kagalang-galang hukom Meliton Galla ng MCTC Angadanan-San Guillermo Isabela na may petsang Oktubre 24, 2019 para sa kasong Pagnanakaw sa ilalim ng criminal case number 19-49.

Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang (P6,000.00).

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan ang akusado.

Facebook Comments

From Advertisers